GO SA SENADO? | SAP Bong Go, inendorso ni Inday Sara sa pagka-senador

35

Manila, philippines – Inendorso ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio pagka-senador si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, ang kilalang right hand ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuri ni Duterte-Carpio si Go na nagtrabaho simula pa noong mayor pa ang kaniyang ama sa Davao City.

Ikinatuwa naman ito ni Go, lalo pa’t ayon sa kaniya, inspirasyon niya ang mga Duterte sa makatotohanang pagserbisyo sa publiko.

Pero ayon kay Go, maaga pa para pag-usapan ang politika.

Pero kung sakali mang matuloy siya sa pagtakbo bilang senador, ayon sa kaniya, handa na rin siya sa nasabing katungkulan.

Dagdag ni Go, susundin niya kung ano man ang magiging desisyon ng Pangulo.

Facebook Comments