GO SA SENADO? | SAP Bong Go, suportado umano ng Pangulo kung tatakbo sa Senado – Andanar

45

Manila, Philippines – Inihayag ni PCOO Secretary Martin Andanar na susuportahan ng Pangulo kung tatakbo si Special Assistant to the president Bong Go sa Senado dahil mga balitang tatakbo sa Senado si Go. Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni PCOO Secretary Andanar na binanggit umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong tatlong mga Gabinete ang tatakbo sa Senado na kanyang susuportahan pero hindi naman tinukoy nito kung sinu-sino ang mga ito. Naniniwala si Andanar na sa suporta ng grupo ay makukumbinsi rin nila si Go na tumakbo sa darating na election sa Senado. Una nang sinabi ni Go na wala siyang interes na tumakbo bilang Senador pero sa bandang huli ay inihayag din nito na bahala na ang pangulo kung pahihintulutan siyang patatakbuhin sa Senado at hindi umano nito bibiguin ang Pangulo.

Facebook Comments