Gobernador ng Bohol nanawagan sa mga residente na manatiling alerto, kahit na Abu-Sayyaf free na ang lalawigan

12

Bohol. Philippines – Pinaaalahanan ni Bohol Governor Edgar Chatto ang mga Boholanos na manatili sa pagiging alerto sa kanilang paligid kahit na napatay na ang lahat ng mga Abu Sayyaf members na nakapasok sa kanilang lalawigan.

Ayun kay Chatto, hindi pa matitiyak sa ngayon kung ano ang susunod na gagawin na hakbang ng ASG o kung posible itong gumanti sa pagkaubos ng kanilang mga tauhan na pumasok sa Bohol.

Kasabay nito ay pinuri ni Chatto ang tropa ng gobyerno na nagbuwis ng kanilang buhay para maibalik ang dati mapayapang mga bayan sa lalawigan na pinasok ng ASG pati na ang komunidad na nagpakita ng katapangan na magsumbong sa mga otoridad sa presensiya ng mga bandido sa kanilang lugar.

DZXL558

Facebook Comments