Gobernador ng Catanduanes, bumuwelta kaugnay sa pagkakasangkot niya sa mega shabu laboratory

Catanduanes, Philippines – Bubuwelta na ngayon si Catanduanes Governor Joseph ‘Buboy’ Cua sa mga taong kumaladkad sa kanyang pangalan sa kontrabersiyal na mega shabu laboratory sa Virac, Catanduanes.

Ito’y matapos na linisin ng PDEA at PNP ang kanyang pangalan.

Sa panibagong mga pangalan ng isinumite, nawala ang pangalan ng naturang gobernador, pero lumutang ang mga pangalan ng dating mayor, board member ng Catanduanes.


Ayon kay Gov. Buboy Cua, ito ang katotohanan at marami pang isusunod na pangalan na konektado rin sa naturang operasyon ng droga.

Facebook Comments