Gobyerno, bigong magpatupad ng mas maagang travel ban sa India

46

Bigo ang gobyerno na magpatupad ng mas maagang travel ban sa mga Pilipinong umuuwi sa Pilipinas galing India.

Nabatid na nakauwi sa bansa ang dalawang Pilipinong unang kaso ng Indian COVID-19 variant bago pa man nagpatupad ng restrictions ang pamahalaan noong April 29.


Pero ayon kay Treatment Czar Leopoldo Vega, ang mahalaga ay gumaling na ang dalawang pasyente habang pinuri rin nito ang mahigpit na pagpapatupad ng health at quarantine protocols.

Gayunman, dapat pa rin aniyang tutukan ng pamahalaan ang paghihigpit ng border controls at madaliin ang pagbabakuna.

Facebook Comments