Saturday, May 16, 2026

Gobyerno, dapat kumilos laban sa hindi makatwirang RORO rates hike

Kinalampag ni Committee on Transportation Vice Chairperson at Quezon Rep. Reynante Arrogancia ang pamahalaan para aksyunan ang hindi makatwriang sunod-sunod na pagtaas ng pamasahe at freight rates ng mga RORO (Roll-on/Roll-off) vessels na bumibiyahe mula Luzon patungong Visayas at Mindanao.

Tinukoy ni Arrogancia na dalawang beses nang nagtaas ng singil ang ilang RORO operators mula nang sumiklab ang tensyon sa Gitnang Silangan na tiyak may direktang epekto sa presyo ng mga bilihin at galaw ng ekonomiya.

Giit ni Arrogancia, hindi dapat palampasin ng gobyerno ang basta na lang pagtataas ng presyo nang walang malinaw at sapat na paliwanag.

ayon kay arrogancia, sa ilalim ng batas ay may kapangyarihan ang Maritime Industry Authority (MARINA) na magpatupad ng mga patakaran upang matiyak na makatwiran at umaayon sa intres ng publiko ang passenger at freight rates ng mga RoRo.

Binigyang diin ni Arrogancia na kahit sa ilalim ng deregulation ay nananatili ang kapangyarihan ng gobyerno na kumilos laban sa hindi makatwirang singil, lalo na kung nalalagay sa alanganin ang kapakanan ng publiko.

Facebook Comments