Kinuwestyon ni Senator Leila de Lima ang umano’y planong paglalatag ng Department of Health (DOH) ng patakaran para sa mixed-use vaccinations o pagtuturok sa isang tao ng magkaibang uri ng COVID-19 vaccine.
Tanong ni De Lima, ano ang basehan ng nabanggit na plano ng DOH kung empirical evidence ba o ang kapos na suplay ng iba’t ibang brand ng bakuna sa bansa?
Diin ni De Lima, wala namang problema kung siyensa at pananaliksik ang basehan nito pero mali kung pag-eeksperimentuhan lang ang taumbayan.
Babala ni De Lima, wala pang nailalathalang data ukol sa pagiging ligtas at epektibo ng vaccine mixing dahil nagpapatuloy pa ang pag-aaral hinggil dito ng ibang bansa.
Dahil dito ay ipinaalala ni De Lima sa DOH at sa administrasyong Duterte ang mandato nito na isulong at protektahan ang kalusugan ng publiko.