Gobyerno, dapat maging maingat sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19

56

Nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na maging lubos na maingat sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 upang hindi na maulit ang kontrobersyang nangyari sa Dengvaxia vaccine.


Pabor din si Zubiri na ipasok sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ang pondo pambili ng COVID-19 vaccine.

Pero giit ni Zubiri, dapat siguraduhin ng gobyerno na ang bibilhing bakuna ay mahigpit nadumaan sa tamang proseso ng pagsusuri, garantisadong mabisa at mula sa reputable source.

Facebook Comments