
Mangangailangan ng ₱4.5-B na subsidy ang pamahalaan upang maisulong na makapagbenta ng 20 pesos na kada kilo ng bigas.
Ito ang reaksyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kasunod ng anunsyo ng Department of Agriculture (DA) na pasisimulan na ang plano.
Sa isang pahayag, sinabi ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet na posible lang na magawa ito sa pamamagitan ng subsidy.
Magugunita na bahagi sa campaign promise ni Pangulong Bongbong Marcos na maibaba sa 20 pesos per kilo ang presyo ng bigas.
Sa pagkwenta ni Cainglet, kung bibilhin ng NFAsa ₱18 per kilo ang aning palay mula sa mga magsasaka at nasa 33-34 pesos kada kilo ang gastos sa paggiling ,nangangahulugan na nasa 14 pesos per kilo ang magiging subsidy dito ng gobyerno.
At kung magbebenta ng nasa 320 million kilos o 320 thousand metric tons para sa nine days consumption maaring abutin ng ₱4.5 billion ang
Paalala ng grupo, hindi dapat mababarat ang mga local farmers sa pagbebenta ng ₱20 per kilo na bigas.
Dapat pa rin aniyang mamili ang NFA ng sariwang palay sa halagang ₱18 per kilo upang hindi madehado ang mga local farmer.