Gobyerno ng New Zealand, nag-alok ng libreng Disaster Risk Management training sa Manila City Govt.

350

Nag alok ng tulong ang pamahalaan ng New Zealand para bigyan ng Disaster Risk Management training ang Manila Disaster Risk Reduction Office.

Ginawa ni New Zealand Ambassador David Strachan ang alok sa kanyang pagbisita sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno.


Ayon kay Strachan, all expenses paid ang imbitasyon kung saan isasailalim sa short term course ang senior officials ng MDRRMO hinggil sa pagtugon sa kalamidad.

Si Strachan ang ika-10 ambassador na nagcourtesy call kay Mayor Isko.

Una nang bumisita sa nasabing tanggapan ang mga ambassador ng UK, Japan, Panama, Saudi Arabia, Israel, Singapore, Russia at European Union bukod sa pagkikita nina Moreno at US Ambassador Sung Kim.

Facebook Comments

From Advertisers