Gobyerno, walang gagastusin sa isinasagawang adjustments sa Dalian Trains – MRT-3 Management

24

Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT-3 na walang gagastusin ang pamahalaan sa isasagawang adjustments sa Dalian Trains.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations, Engineer Mike Capati, sagot ng Chinese Firm ang pagpapapalit ng ilang spare parts.


Naging responsable rin ang Chinese Firm para makasunod sa requirements na hinihingi ng MRT.

Matatandaang kailangang i-adjust ang mga bahagi ng Dalian para umayon sa specifications at measurement ng mga riles.

Target naman ng MRT-3 na simulan ang welding at pagpapapalit ng riles sa susunod na buwan.

Facebook Comments

From Advertisers