Golden State Warriors, aabante na sa NBA Finals

39

Itinanghal na kampeon ang koponan na Golden State Warrios (GSW) sa NBA Finals Western Conference.

Ito ay matapos talunin ng GSW ang Dallas Mavericks kahapon sa score na 120-110 sa Game 5.

Nakapagtala ng 32 points ang isa sa star player na si Klay Thompson, dahilan para umabante na sa NBA Finals ang GSW matapos ang 4-1 na score sa serye kontra sa Dallas.


Katulong ni Thompson para manalo sina Andrew Wiggins na may score 18 points at 10 rebounds, Draymond Green na may 17 points at 9 assists, Jordan Poole 16 points, Stephen Curry 15 points, 9 assists at Kevon Looney na may 10 points at 18 rebounds.

Ito na ang ika-6 na beses na maglalaro ang GSW para sa NBA Finals sa loob ng nakalipas na walong taon.

Facebook Comments