Golden State Warriors, balik NBA finals matapos ma-sweep ang San Antonio Spurs sa game-4 ng western conference finals

140

Manila, Philippines – Pasok na sa ikatlong sunod na pagkakataon ang golden state warriors sa finals ng nba matapos na ma-sweep sa 4-0 ang San Antonio Spurs sa Western Conference Finals.

Nanalo ang warriors sa score na 129-115 kung saan nanguna sa koponan ang tandem nina Stephen Curry na may 36-points at Kevin Durant na may 29-points at 12-rebounds.


Sa naging interview kay Durant, excited na siyang makabalik muli sa finals at hindi na niya muli sasayangin ang pagkakataon na masungkit ang kampeonato.

Pinasalamatan ni Durant si Manu Ginobli ng Spurs na sinasabing huling laro na nito sa nba dahil magreretiro na din sa susunod na season.

Bukas naman mapapanood ang game-4 ng Eastern Conference Finals sa pagitan ng Boston Celtics at Cleveland Cavaliers sa alas-8:30 ng umaga kung saan lamang sa serye ang Cavs (2-1).
DZXL558

Facebook Comments