Golden State Warriors, panalo kontra Portland Trail Blazers sa game 1 ng kanilang serye sa Western Conference Playoff

38

Manila, Philippines – Tinalong Golden State Warriors ang Portland Trail Blazers sa game 1 ng WesternConference Playoffs sa NBA.
  Tinambakan ng Warriors angBlazers sa score na 121-109 kung saan nanguna sa panalo si Kevin Durant na may32-points at 10 rebounds habang 29-points naman ang nai-ambag ni Stephen Curry.
  Sa postgame interviewkay Durant – bagamat nanalo sila sa game 1, paghahandaan pa rin daw nila angmga susunod na laro dahil sigurado silang babawi ang Portland.
  Nagpa-abot din si Durantng pakikiramay sa pamilya ni Isaiah Thomas ng Boston Celtics matapos na masawisa aksidente ang kapatid nitong babae na si Chyna noong nakaaraang araw.
  Mapapanood naman anggame 2 ng dalawang koponan sa Huwebes, April 20 (Philippine time).
 
 
 

Facebook Comments