Good news! 95 percent ng mga health care workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19, gumaling na!

44

Nakarekober na sa COVID-19 ang nasa 10,088 o 95.3% health care workers sa bansa.

Ito ay batay sa pinaka-huling COVID-19 Philippine situation ng Department of Health kung saan 10,088 na ang gumaling mula sa kabuuang 10,581 na health care workers sa bansa na nagpositibo sa COVID-19.


Nananatili pa rin naman sa 64 ang mga nasawing HCWs habang bumaba rin sa 429 ang mga aktibong kaso.

Ang mild cases ay 237 at 157 ang asymptomatic habang 24 ang severe condition at 11 ang nasa kritikal na kundisyon.

Facebook Comments