GOOD NEWS | Bawas presyo sa langis, ipatutupad ngayong Linggo

23

Manila, Philippines – Matapos ang ilang linggong dagdag presyo sa produktong petrolyo, magpapatupad ngayon ang mga oil company ng bawas presyo.

Aabot ng 30 sentimo hanggang 40 sentimo ang itatapyas sa presyo ng gasoline at diesel.

Posible naman umabot ng 50 sentimo hanggang 60 sentimo ang bawas presyo sa bawat litro ng kerosene.

Pero ,sa kabila ng oil price rollback, may nakaamba namang dagadag singil sa presyo ng kuryente ngayong buwan ng Mayo.

Ayon sa Meralco, tumaas ang presyuhan ng produktong petrolyo sa world market na gingamit sa produksyon ng kuryente.

Sa ngayon hindi pa masabi ng meralco kung magkano ang itataas na singil sa kuryente.

Facebook Comments