GOOD NEWS: DALAWANG BATANG BINMALENIANS, GINAWARAN NG PARANGAL BILANG PAGKILALA SA PAGKAPANALO SA MAGKAIBANG LARANGAN NG KOMPETISYON

Binigyang parangal kamakailan ng Alkalde ng Binmaley, ang mga batang Binmalenians na nagkamit ng magkaibang parangal sa larangan ng sayaw at pampalakasan.
Ang mga batang pinarangalan ay sina Simone Louise Basilla mula sa Barangay Caloocan Sur, at Geronima Riescilla Sison mula naman sa Barangay Naguilayan.
Nagkamit si Basilla, ng silver award sa age 10 to 12 years old category sa katatapos lamang na The Hong Kong Challenge Cup Dance Competition 2022 – International Ballet (Solo) Division.

Itinanghal naman ang isa pang Binmaleñians na si Sison bilang First Place sa 200M Breaststroke at 400M Individual Medley, at Second Place sa 100M Breaststroke & 200M Individual Medley sa ginanap na Batang Pinoy 2022 Tryouts sa Lingayen, Pangasinan.
Samantala, kabilang si Sison sa official delegation ng Pangasinan na kumakatawan sa probinsya para sa Regional Meet ng Batang Pinoy 2022 na nakatakdang ganapin mula December 10-14 sa Vigan City, Ilocos Sur.
Layunin ng Alkalde na bigyang pagkilala ang mga batang nagbigay karangalan sa Bayan ng Binmaley at maging inspirasyon sa mga kapwa Binmaleñians. |ifmnews
Facebook Comments