GOOD NEWS | Electric bill ng mga customers ng Meralco ngayong buwan, posibleng bumaba

Manila, Philippines – Posibleng bumaba ang singil ng Meralco ngayong buwan.

Paliwanag ni Meralco Spokesperon Joe Zaldarriaga, mas bumaba kasi nitong Agosto ang demand at ang plant capacity on outage sa Luzon grid kumpara noong Hulyo.

Aniya, asahan ang bawas singil kung magreresulta sa mas mababang presyuhan sa whole sale electricity spot market ang bumubuting sitwasyon sa Luzon grid.


Facebook Comments