GOOD NEWS! | Go Lokal ng DTI kumita ng higit P30-M

Manila, Philippines – Simula nang ilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “Go Lokal” store noong 2016 kumita na ito ng P33 million.

Ang Go Lokal! Stores ay para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) upang bigyan sila ng pagkakataon na magka-access sa domestic mainstream at global export market.

Makikita at mabibili sa mga Go Lokal! stores ay mga Philippine products mula sa mga negosyante ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSME).


Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez kabuuang 892 negosyo centers ang naitayo sa buong bansa at 645 dito ay sa panahon ng Duterte Administration.

Kasunod nito sinabi ni Lopez na target nilang padaliin at bawasan ang mga hakbang sa pagkuha ng business permit nang sa gayon ay mas marami pang MSME na mahikayat na magnegosyo.

Sinabi pa ni Lopez na base sa mandato sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte kinakailangang ibaba sa 3 araw ang processing time para sa application/renewal of business permits.

Kaugnay nito ilulunsad sa July 19 ang isa pang Go Lokal! Store sa Ninoy Aquino International Airport kung saan inaasahang pangungunahan ang inagurasyon ni Secretary Ramon Lopez.

Facebook Comments