GOOD NEWS: ISANG TATAY SA PANGASINAN, HINANGAAN SA KANYANG MGA OBRA MAESTRONG METAL ARTS

36
Isang tatay sa Pangasinan, hinangaan sa kanyang mga obra maestrang metal arts.
Hinahangaan ngayon si tatay Dennis Fernandez, 55 years old na tubong Pozorrubio, Pangasinan dahil sa kanyang mga scrap metal sculpture at arts.
Kahit matanda na si tatay ay maraming kababayan ang namangha sa kaniyang mga obra.

Marami na rin siyang nagawang ibat ibang disenyo na inupload kamakailan lang sa
facebook isa na ang kaniyang inilaban sa patimpalak na pinangalanan niyang “Engkanto”.
Ayon kay tatay Dennis, ngayong buwan ay nakilahok siya 12th Tam-awan International Arts Festival na gaganapin naman sa Baguio City.
Marami rin ang sumusuporta ngayon kay Tatay Dennis para sa kanyang mga scrap metal arts. |ifmnews
Facebook Comments