GOOD NEWS: MERIENDA ON WHEELS NG KAPULISAN SA SANTO TOMAS, UMARANGKADA

Naghatid ng saya ang Santo Tomas PNP sa mga bata sa pamamagitan ng libreng meryenda sa Brgy. San Antonio, Sto. Tomas, Pangasinan nito lamang nakaraang linggo.
Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Arnel R. Tamayo, ACOP, na patuloy sa pagbibigay serbisyo sa bayan.
Namigay ng biscuit at juice ang kapulisan, simple man subalit nagbigay ngiti ito para sa mga batang nakatanggap.

Samantala, patuloy ang Santo Tomas PNP na maghatid ng serbisyo at mapanatili ang magandang ugnayan at seguridad ng mga residente. |ifmnews
Facebook Comments