GOOD NEWS | Oil companies – may buena manong rollback sa langis bukas

May buena manong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong buwan ng Agosto.

Nasa P0.10 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel habang P0.25 naman sa kerosene.

Sabay-sabay na magpapatupad ng rollback, alas-6:00 ng umaga bukas ang shell, flying v at ptt philippines habang alas-12:01 ng madaling araw ang Seaoil.


Nauna nang nagpatupad ng P0.20 na bawas-presyo sa gasolina at diesel ang kompanyang petro gazz kaninang umaga.

Facebook Comments