GOOD NEWS: POSONG MAY PUSO YAN ANG BANSAG KAY IDOL JONATHAN MARASIGAN MATAPOS NITONG IPAMALAS ANG KANYANG MABUTING KALOOBAN SA IKALAWANG PAGKAKATAON.

Muling nag viral sa social media ang kanyang kwento matapos ibalik nito ang cellphone na naiwan sa bandang Arellano Dagupan City.
Ayon sa kwento ng poso umiiyak na tumawag ang may-ari kaya agad nitong sinabihan na bumalik sa may tindahan upang makuha ang cellphone. Napag-alaman na kasalukuyang nasa hospital ang kanyang lola kaya raw ito’y na memental block.
Lubos naman ang pasasalamat nito matapos maibalik ang kanyang cp.

Samantala si POSO Enforcer Jonathan din ang nakapulot ng wallet ng isang PWD na agad ding naibalik sa may-ari kamakailan lang.
Naway tularan ka ating mga idol POSO Enforcer Jonathan, ang POSO na may puso! |ifmnews
Facebook Comments