Governance in Health and Wellness Program para sa PWDs sa ARMM, pinangasiwaan ng DOH-ARMM!

15

Ang isang araw na stakeholders forum on Governance in Health and Wellness Program for Persons with Disabilities (PWD) sa ARMM ay isinagawa nitong Lunes.
Nagtipon sa forum ang health practioners mula sa government offices at non-government organizations na concern sa PWDs sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.
Ilang PWDs ang lumahok din sa aktibidad upang mas matutunan ang kanilang mga karapatan, pribilehiyo at mga programa na maari nilang matamasa mula sa iba’t-ibang stakeholders.
Hinikayat naman ni ARMM Health Sec. Dr. Kadil Sinolinding Jr. ang health practitioners na magbigay ng medical attention sa mga taong may kapansanan na may malasakit at pagmamahal na nauukol sa kanila. (photo credit:bpiarmm)

Facebook Comments