Governor Miraflores temporaryo munang pinasuspede ang biyahe ng eroplano sa mga airports sa Aklan

18

Kalibo, Aklan — Temporaryo munang pinasuspende ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang mga biyahe ng eroplano na galing sa Metro Manila papunta sa probinsya ng Aklan matapos na muling isinailalim sa Modefied Enhance Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region. Maliban dito, inatasan din nya ang mga shipping lines companies, Philippine Coast Guard at Philippines Ports Authority na ibawal muna ang pagpasok ng mga Authorized Person Outside Residence (APORs) at Locally Stranded Individuals (LSIs) sa lahat ng port sa probinsya ng Aklan maliban lamang kung ito ay may arrangement sa provincial government. Pahihintulutan lamang ang mga ito na makapasok sa provinsya kung galing sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19. Ang nasabing hakbang na ito ay para maiwasan din ang pagkalat ng corona virus sa probinsya ng Aklan.


Facebook Comments