Gown na gawa ni Michael Cinco, irarampa ng ilang kandidata sa 69th Miss Universe pageant

193

Irarampa sa Miss Universe pageant ng pambato ng Romania na si Bianca Tirsin ang gown na gawa ni top international Pinoy designer Michael Cinco.

Ayon kay Tirsin, isang karangalan na maisuot ang likha ni Cinco na kilala sa pagbibihis sa mga international A-listers sa showbiz, fashion at pageant.

Bukod kay Miss Romania, isusuot din ni Miss Canada Nova Stevens ang couture creation ng Dubai-based designer.


Samantala, isang fashion design student naman mula sa San Mateo, Isabela ang napiling gumawa ng national costume ni Miss Cameroon, Africa Angele Kossinda sa 69th Miss U.

Ito ay si Kennedy Jhon Gasper, 3rd year student sa Central Luzon State University (CLSU).

Facebook Comments