Grab, iginiit na bawal ang overloading

54

Iginiit ng pamunuan ng Grab na bawal ang overloading.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang video kung saan minura at sinaktan ng mga pasahero ang isang TNVS driver dahil sa tumangging magpasakay ng limang pasahero habang nasa apat na pasahero lamang ang pwede sa kanyang sasakyan.


Ayon kay Grab Philippines president Brian Cu – mayroon silang sinusunod na safety standard pagdating sa maximum capacity ng kanilang mga sasakyan na nakasaad sa kanilang mga app kapag nag-book ka.

Base sa sinumpaang salaysay ng driver na si Reynaldo Tugade, sinuntok siya sa mukha ng suspek na si John Jervin Mercado at sinipa pa ang kanyang sasakyan.

Nakakulong na ang suspek at ang kasintahan nito na si Rea Sangil na nanakit sa driver na nahaharap sa physical injury at malicious mischief.

Facebook Comments

From Advertisers