Grace Poe, umaasang makakadalo sa susunod na pagdinig sina MMDA Chairman Danilo Lim at DOTR Sec. Arthur Tugade

Umaasa si Sen. Grace Poe, Chairperson ng Committee on Public Services na makakadalo sa susunod na pagdinig sina MMDA Chairperson Danilo Lim at Transportation Sec. Arthur Tugade.

Ito’y matapos hindi sumipot ang dalawang opisyal sa unang pagdinig ng Senado ukol sa matinding trapikong nararanasan sa EDSA.

Ayon kay Poe, nais nilang malaman kina Lim at Tugade kung ano ang mga plano nito upang maresobla ang problema ng trapiko.


Mahalaga aniyang ang kanilang presensya sa mga pagdinig.

Nabatid na ang Senado ay maaaring mag-isyu ng subpoena para pilitin ang resource persons na dumalo sa mga pagdinig kung tumanggi ito sa ilang imbitasyon.

Facebook Comments