Grade 4 pupil, dinukot ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu

Sulu, Philippines – Dinukot ng bandidong grupong Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Sonny Sajirin ang isang Grade IV pupil na batang lalaki sa bisinidad ng upper San Raymundo sa Jolo, lalawigan ng Sulu noong Hunyo 6, alas siyete ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Deany Rey Tumambas Tan, siyam na taong gulang at nag-aaral sa Mohammad Tulawie Elementary School.

Puwersahan umanong tinangay ang bata ng tatlong armadong lalake, kung saan kilalang pamilya umano ang mga ito sa lugar gayon hindi naman mayaman ang mga angkan nito dahil ang nanay ay may maliit na tindahan lamang sa nasabing paaralan.


Agad naman rumesponde sa lugar ang Jolo police at nagsagawa ng pursuit operation para sa posibleng pag-rescue sa bata, subalit hindi na naabutan pa ang mga suspek.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, lumalabas na isinakay sa motorsiklo ang bata papunta sa dirkcsyon ng Barangay Latih ng Patikul, Sulu.

Nagpapatuloy naman ang pursuit operation ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ng sagayon marecover ang menor de edad na biktima.
DZXL558

Facebook Comments