Grade 6 student na nagbebenta ng droga sa Bacolod, arestado

31

Bacolod, Philippines – Arestado ang isang grade 6 student dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa purok Cagaycay, barangay 2, sa Bacolod City.

Sa ikinasang drug bust operation, binentahan ng shabu ng 15-anyos na binatilyong ang isang police asset ng halagang 200 piso bago ito inaresto.

Bukod sa unang pakete na naibenta, nakumpiska pa mula sa posesyon ng suspek ang tatlo pang sachet ng shabu at cash na nagkakahalagang 400 pesos.

Matagal na umanong minamanmanan ng pulisya ang suspek dahil na rin sa mga impormasyong naibibigay ng ilang residente bunsod ng aktibidad nito sa kanilang lugar.

Pansamantalang iti-nurn over ng pulisya ang suspek sa City Social Welfare And Development dahil menor-de-edad pa ito.
Nation

Facebook Comments