Grade-9 student sa Zamboanga del Sur, nagpakamatay dahil sa umano’y mahirap na mga learning modules

5408

Kumakalat ngayon sa social media ang umano’y pagpapatiwakal ng isang 17 anyos na Grade 9 student sa Poblacion, Lapuyan, Zamboanga del Sur dahil umano sa pressure at nahihirapan sa learning modules.

Ayon sa kaibigan ng lalaking estudyante, inirereklamo umano ng biktima na nahihirapan itong intindihin ang modules at gusto na lamang ibalik sa kanyang guro ang learning materials.


Kasunod nito, nakita na lamang na nakabigti ang estudyante sa loob ng kanilang tahanan.

Kinilala ang biktima na si Emarson Erad , mag-aaral ng Lapuyan National High School.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang patay pagkalipas ng ilang oras.

Facebook Comments