Graduating Student , ginahasa na pinatay pa sa Parang Maguindanao, 2 Rape Suspect Patay sa magkahiwalay na insidente

264

Isang bangkay ng babae na pinaniniwalaang biktima ng panggahasa ang natagpuan sa likurang bahagi ng Parang National High School sa bayan ng Parang sa Maguindanao noong araw ng sabado , August 10.

Ayon kay Parang MPS Chief Police Lt. Col. Ibrahim Jambiran, ang biktima ay 22 anyos at graduating student.


Dalawa naman sa 5 mga suspek sa panggahasa ang nahuli sa pamamagitan ng mga residente na kumuyog sa mga ito.

Dahil sa matinding mga sugat na tinamo mula sa pambubugbog ng mga galit na residente, isa sa dalawang naaresto ay nasawi.

Sinabi pa ni Col. Jambiran na napag-alamang dalawang beses nagahasa ang biktima, unang ginahasa ito ng kanyang umano’y tiyuhin na may pagnanasa sa kanya, nadiskubre ito sa pamamagitan ng sulat ng biktima sa kanyang nanay kung saan isinalaysay nito ang nangyari sa kanya.

Sa ikalawang pagkakataon ay mga kasama na ng nagkakagustong tiyuhin ang nanggahasa sa kanya kung saan tuluyan na itong pinatay ng mga suspek sa pamamagitan ng pagbugbog.

Sa ngayon ay tukoy na ng mga otoridad ang iba pang suspek sa panggagahasa at pagpaslang sa biktima at nakatakda nang sampahan ng kaso dadag pa ni Jambiran.

Samantala, habang kinukuhanan ng mugshot, biglang nang-agaw naman ng baril ang rape suspek na si alyas Akmad at nakipagbarilan sa mga pulis, ayon kay Lt. Col. Ibrahim Jambiran, hepe ng Parang police.

Tinamaan ng bala si Akmad at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Nahuli noong August 9 ang rape suspect matapos ireklamo ng panggagahasa sa 12 anyos na ampon na anak, ayon sa pulisya.

Agad namang kinuha ng pamilya ng suspek ang kaniyang bangkay at inilibing alinsunod sa relihiyong Islam.

Dati nang may reklamong panggagahasa laban sa Rape Suspect mula sa 2 biktima, ayon sa pulisya.(Daisy Mangod)

Facebook Comments

From Advertisers