GRADUATION | 20 preso sa Navotas City Jail, graduate na sa ALS

Navotas City – Nagtapos na ang nasa 20 preso ng Navotas City Jail sa kanilang pag-aaral sa elementarya at high school.

Sa isang simpleng graduation ceremony, pinarangalan nina Mayor John Rey Tiangco at Navotas City Jail Warden Jail Inspector Ricky Heart Pegalan ang 20 mga bilanggo na nagpatuloy ng pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS).

Pinaalalahanan ni Tiangco ang mga nagsipagtapos na inmates na hindi nasusukat sa tagal ng inilagi sa kulungan ang kanilang pagkatao at nararapat na gumuhit ng bagong kabanata sa kanilang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.


Hinikayat niya ang mga graduates na magpatuloy ng pag-aaral ng mga kursong teknikal-vocational sa mga training centers sa lungsod para agad na mapakinabangan sa pagtatrabaho pagkalabas nila ng bilangguan.

Facebook Comments