GRADUATION DAY | Pangulong Duterte, dumalo sa graduation ng kanyang apo na si Isabelle

79

Manila, Philippines – Dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senior High School graduation day ng kanyang apo na si Isabelle.

Si Isabelle ay anak ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Lovelie Sangkola-Sumera.

Nakapagtapos si Isabelle ng Humanities and Social Sciences at kabilang siya sa unang batch ng mga Senior High School graduates ng San Beda College Alabang.

Sa kanyang instagram video, makikitang suot ni Isabelle ang kanyang pulang graduation gown katabi ang Pangulo at iba pang miyembro ng pamilya.

Game-na-game din ang Pangulo na makipag-selfie sa iba pang estudyante ng San Beda.

Nabatid na hindi nakadalo ang Pangulo sa pagdiriwang ng ika-18 kaarawan ng kanyang apo.

Facebook Comments