Graft trial nina dating Senator Jinggoy Estrada at Janet Lim Napoles kaugnay ng pork barrel scam, ipinagpaliban

Manila, Philippines – Ipinagpaliban ngayong araw at itinakda na lamang sa Setyembre 4 ang graft trial nina dating Senator Jose “Jinggoy” Estrada at Janet Lim Napoles kaugnay ng pork barrel scam.

Dumalo si Napoles sa maiksing pagdinig ngayong araw ng fifth division ng anti-graft court.

Kasama ni Napoles ang mga security personnel mula sa Bureau of Jail Management and Penology.


Hindi naman sumipot sa hearing si Estrada at tanging ang abogado niyang si Atty. Paul Mar Arias ang dumalo sa hearing.

Nahaharap si Estrada sa kasong plunder at 11 counts ng graft matapos ibulsa umano ang P183.793-million halaga ng kickbacks mula sa kanyang inilaang pork barrel sa mga pekeng non-government organizations na pinatatakbo umano ni Napoles.
DZXL558

Facebook Comments