GRANADA NATAGPUAN SA ISANG JUNKSHOP

Natagpuan ng isang nagmamay-ari ng junkshop ang isang kinakalawang na granada sa kanyang tahanan sa Brgy. Asin West, Malasiqui, Pangasinan.
Ayon sa may-ari, laking gulat na lamang nito nang makita ang pampasabog habang nag-aayos ng pira-pirasong kalakal sa kanyang junkshop.
Hindi na umano matandaan ng may-ari kung sino ang nagbenta ng granada at kung saan ito nagmula.

Agad na-itinurn over sa 3rd District Explosive Ordnance Disposal K9 Unit ang naturang pampasabog para sa tamang disposiyon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments