Greece former Prime Minister Lucas Papademos, sugatan sa pagsabog ng explosive device

World – Sugatan si Greece Former Prime Minister Lucas Papademos matapos sumabog ang isang explosive device na nakatago sa envelope sa loob ng kaniyang sasakayn.

Ayon sa isang pulis na ayaw magpakilala, hindi naman kritikal ang lagay ni Papademos pero napuruhan ang mga mata nito.

Maliban sa dating prime minister, sugatan rin ang driver nito.


Si Papademos ay dati ring central bank chief at naappoint rin siya bilang caretaker prime minister noong November 2011 haganggang mag-eleksyon noong 2012.

Una nang nakumpiksa ng Greek security sa post office branch sa Athens ang isang envelope na naglalaman ng mga bala kung saan naka-address sa Greece’s General Secretary for Public Revenue.

DZXL558

Facebook Comments