Greece, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Greece.

Batay sa European Mediterranean Seismological Centre (EMSC),nasa layong 20 kilometro ng katimugang bahagi ng Elassona , Central Greece ang episentro ng lindol at may lalim na 10 kilometro.

Naramdaman din ang lindol sa ilang bahagi ng bansa partikular sa North Athens.


Sa ngayon, wala naming naiulat na nasawi o sugatan sa nasabing lindol ngunit nag-iwan ito ng pinsala sa ilang establisyimento at kabahayan sa nasabing bayan.

Facebook Comments