‘Green Jobs’, pasok sa DOLE’s Career Information System na ilulunsad sa susunod na taon

67

Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ilunsad sa susunod na taon ang ‘green jobs’ o trabahong may kinalaman sa environmental preservation.

Ayon kay Bureau of Local Employment (BLE) Senior Labor at Employment Officer John Christopher Lapiz, layon nitong tugunan ang interes ng mga Pilipinong nais magtrabaho sa ‘green economy’.


Aniya, aabot sa P32,000 ang buwanang sahod ng isang environmental Impact Assessment Specialists; P43,000 kada buwan naman sa Agricultural Engineers at P50,000 kada buwan ang maaaring swelduhin ng isang Environmental Planners.

Facebook Comments