Groundbreaking ng 100 Infrastructure Projects, isasagawa bago matapos ang Duterte Administration

238

Nakatakdang isagawa ang groudbreaking ng nasa 100 Infrastructure Projects sa nalalabing termino ng Duterte Administration.

Ayon kay Presidential Adviser on Flagship Programs and Projects, BCDA President and CEO Vince Dizon, committed silang masimulan lahat ng mga ito.


Aniya, inaasahang tapos na ang groundbreaking ng mga proyekto sa hunyo 2022 o sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Dizon, 30% ng Big Ticket Projects ay inaasahang matatapos bago bumaba sa pwesto ang Pangulo.

Nitong Nobyembre, inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NDEA) ang revised list ng 100 infra projects, mataas kumpara sa naunang listahan na nasa 75 proyekto lamang.

Facebook Comments

From Advertisers