Grupo na nagpakilalang Duterte supporters, inireklamo sa panghihingi umano ng pera

186

Pagadian, Philippines – Dumulog sa himpilan ng RMN Pagadian ang
nagpakilalang miyembro ng pagbabago at karapatan ng Women Power Mindanao,
Inc., umano’y grupo ng tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na
nagsasagawa ng recruitment sa lungsod ng Pagadian.

Nabatid na ang nasabing grupo ay humingi umano P230 bilang membership fee,
katumbas nito ang garantiya na makakabenipisyo ang miyembro sa anumang
livelihood program ng pamahalaan.

Mariin naman itong itinanggi ni Maricar Matalam ang organizer.

‘’kung P230 sir, hindi po yan sa amin that is only 60 pesos…”

Aniya, ginamit at sinisiraan lamang ng ilang indibidwal ang kanilang
orginasyon.

Nation”

Facebook Comments