
Aabot sa higit 50 pawang mga vendors ang napasugod sa Tanggapan ng Office of the Ombudsman kasama si Atty. Ferdinand Topacio.
Muling humiling ang grupong Citizens Crime Watch (CCE) kasama ang mga vendor na sumugod sa Office of the Ombudsman para hilingin na maglabas na ng resolusyon sa kaso ni dating Manila Mayor Isko Moreno.
Nagpadala na ng liham ang advocacy group sa Ombudsman para sa pormal na kahilingan tungkol kay dating Manila Mayor Isko Moreno na aksyunan na kaagad ang kanilang kahilingan at bigyan ng kaukulang pansin
Ayon kay Atty Ferdinand Topacio,legal counsel ng CCW, taong 2022 pa sinampahan ng kasong katiwalian ang alkalde kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Paliwanag pa ni Atty. Topacio may kaugnayan ito sa umano’y iligal na pagbenta ng Divisoria Public Market sa halagang Php1.4 bilyon at wala umanong kinalaman sa usapin sa politika .
Inalmahan ito ng mga magtitinda na kasapi ng Divisoria Public Market Credit Cooperative dahilan para magsampa ng kaso.
Ang iba pang kinasuhan ay ang Vice Mayor noon at kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Honey Lacuna,
ilang konsehal at opisyal ng pamahalaang lungsod.
Sabi ni Atty.Topacio, bilis bilisan ang pagbibigay ng aksyon sa kanilamg inihaing reklamo
Giit ng grupo walang pulitika sa kanilang pagkilos dahil buwan pa ng Pebrero nang maghain sila ng kahilingan na imbestigahan ang pagbebenta ni Mayor Isko ng maraming Property ng City Government ng Maynila
Silipin ang usapin at matulungan ang mga mamamayan ng lungsod ng Maynila