Grupo ng hog raisers at poultry farming, planong magpadala ng sulat sa Pangulo upang iapela ang ipapatupad na price ceiling

42

Plano ngayon ng grupo ng hog raisers at poultry farming na muling sumulat sa pamahalaan para pag-aralan mabuti ang planong pagpapatupad ng price ceiling sa presyo ng karne ng baboy at manok.

Ayon kay Nick Briones, presidente ng Agriculture Sector Alliance of the Philippines, tila hindi nakarating sa msimong opisina ng Pangulo ang kanilang paliwanag hinggil sa sitwasyon ng suplay ng baboy sa bansa kaya’t pinaniwalaan nito ang desisyon ni Agriculture Secretary William Dar na magpatupad ng 60 araw na price ceiling.


Aniya, hindi sila sang-ayon sa ipapatupad na price ceiling dahil magkakaroon ito ng masamang epekto sa mga nagbebenta at nag-aalaga ng mga baboy at manok kung saan lubos na mahihirapan ang mga consumer.

Dahil dito, naniniwala sila na hindi na magbebenta ang mga hoggers at retailers dahil malaki ang kanilang ikalulugi.

Iginiit pa ni Briones na posibleng tumaas ang presyo ng ibang produkto tulad ng gulay, baka at isda lalo na’t nagbabanta ng pork holiday ang ibang grupo ng mga consumers.

Muli rin nilang inihahayag na lahat ng naging desisyon ng Department of Agriculture (DA) ay tila hindi napag-aralan dahil sila ang lubos na nahihirapan lalo na’t malaki ang naging epekto ng African Swine Fever (ASF), importation at smuggling sa kanilang sektor na hindi naman nabigyan ng solusyon ng kagawaran.




Facebook Comments