Grupo ng mga armadong lalaki , namataan sa lungsod ng Guihulngan sa lalawigan ng Negros Oriental

148

Cebu, Philippines – Isang araw lang matapos ideklara ng military na Abu Sayyaf – free na ang lalawigan ng Bohol , isang grupo naman ng mga armadong lalaki ang namataan sa lungsod ng guihulngan sa lalawigan ng Negros Oriental.

Ayun sa hepe ng Guihulngan City Police na si Supt . Arnel Arpon pasado alas 5:00 kahapon ng umaga isang dating miyembro ng Cafgu ang tumawag sa kanilang estasyon para ireport ang presensiya ng humigit-kumulang 20 armadong lalaki at isang babae na lulan ng dawalang motorbanca at may dalang mga armas ,ang dumating sa barangay basak sa lungsod ng Guihulngan.

Kaagad na nagpadala ng isang team ang pnp sa nasabing lugar ngunit wala na itong naabutan.

Patuloy na inaalam ngayon ng PNP kung anong grupo ng mga armadong lalaki ang namataan sa nasabing lugar .
DZXL558, Khen Galinea

Facebook Comments