Grupo ng mga chemist, nagbabala sa paggamit ng gasolina bilang disinfectant

Nagbabala ang Integrated Chemist of the Philippines (ICP) sa publiko laban sa paggamit ng gasolina bilang disinfectant.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nagbibiro hinggil sa paggamit ng gasolina bilang panlinis.

Sa statement ng ICP, nagpaalala sila sa publiko na hindi ginagamit ang gasolina para gawing panlinis o disinfectant sa mga bagay-bagay.


Nakakasama anila ito lalo na kapag nalanghap ang singaw nito.

Una nang sinabi ng Malacañang at Department of Health (DOH) na nagbibiro lamang ang Pangulo sa sinabi nito.

Facebook Comments