Grupo ng mga madre, nagpa-abot din ng kanilang pagkabahala sa patuloy na paglaganap ng iligal na droga sa bansa

Pinuna ng grupo ng mga madre mula sa Missionary Benedictine Sisters ng St. Scholastica’s Priory of Manila ang anilay patuloy na pagkalat ng iligal na droga sa bansa

Sa news forum sa Maynila, inungkat din ni Sister Mary John Mananzan ang isyu ng Extra-Judicial Killings sa bansa gayundin ang problema sa kahirapan.

Inihayag din ng mga madre na hindi sila kuntento sa pagtugon ng gobyero sa COVID-19 pandemic.


Umalma rin ang Benedictine sisters sa pagkapasa ng Anti-Terror Law at nanawagan na depensahan ang buhay ng tao.

Facebook Comments