Grupo ng mga pribadong ospital, magpapatupad ng “PhilHealth holiday” sa January 1 hanggang January 5!

67

Magsasagawa ng ‘PhilHealth holiday’ ang mga miyembro ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) simula Enero 1 hanggang 5 ng taong 2022 laban sa bilyun-bilyong pisong utang ng Philhealth.

Ayon kay PHAPI President Dr. Jose Rene de Grano, sa loob ng limang araw ay hindi muna sila magbabawas ng philhealth benefits sa hospital bill ng kanilang pasyente.

Sa kabila nito, inamin din ni de Grano na hindi pa kaya lahat ng kanilang miyembro na tuluyang kumalas sa naturang state health insurance.


Aniya, may mga serbisyo kasing nakadepende sa binabayad ng PhilHealth.

Matatandaang lumobo ang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments