Grupo ng mga retiradong sundalo at pulis, nanawagan kay Pangulong Duterte na ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippine Sea

889

Ipinanawagan ng grupo ng mga retiradong sundalo at pulis na ipaglaban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ating karapatan sa West Philippine Sea.

Ayon kay retired Lt. Gen. Edilberto Adan, Chairman ng Advocates for National Interest, malinaw na nalalabag ng China ang ating soberenya dahil sa patuloy nitong pag-angkin sa ilang teritoryo na sakop ng ating Exclusive Economic Zone.


Aniya, obligasyon ng Pangulo bilang Commander-in-Chief na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng Konstitusyon.

Ang pahayag na ito ni Adan ay kasunod ng paiba-ibang pahayag ng Pangulo kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea at pagkiling umano nito sa China.

Facebook Comments