Dismayado ang ilang tsuper sa Pangasinan sa tila hindi umano patas sa patuloy na pagtaas at kapiranggot na pagbaba ng presyo ng petrolyo.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay One Pangasinan Transport Federation President Bernard Tuliao, sinabi nito na inaasahan na nila ang ganitong senaryo sa paggalaw ng langis.
Ito umano ang nag udyok sa grupo sa kanilang patuloy na petisyon na gawing kinse pesos ang minimum na pamasahe sa mga pampublikong jeep.
Samantala,Ibinahagi ni Tuliao na magkakaroon ng service contracting program ang Ilan sa mga miyembro nito na inaasahang mag-uumpisa sa February 16 upang makabawi at makadagdag sa kita ng mga tsuper. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments