Inihayag ng One Pangasinan Transport Federation na wala pang Pinal na desisyon ang Kanilang grupo kung isusumite ang kahilingan ng mga ito na taas pasahe.
Ito ay matapos muling sumipa ang presyo ng petrolyo na halos umabot na sa tatlong piso.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay One Pangasinan Transport Federation President, Mr. Bernard Tuliao , ikinakasa na umano ang kanilang petisyon na gawing 15 pesos ang ngayo’y 13 pesos na minimum fare. Ngunit nilinaw ni Tuliao, na hinihintay muna nila ang pinal na desisyon ng kanilang grupo upang umusad ang hiling nilang fare increase.
Gayunpaman, ang 15 pesos na minimum fare ay sapat na umano na dagdag pasahe para sa mga tsuper.
Kahapon, ibinasura naman ng LTFRB ang proposal ng ilang grupo na gawing 17 pesos ang minimum fare sa mga pampasaherong jeepney sa buong bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨